Libreng VPN Extension para sa Opera
Ang Planet VPN ang kailangan mong tool para sa Opera browser para manatiling ligtas at anonimo habang nagba-browse. Ang extension ng Opera VPN na ito ay namumukod-tangi salamat sa maraming mga tampok, kabilang ang pero hindi limitado sa:
- Madaling one-click na koneksiyon
- Walang mga paghihigpit sa paggamit ng data
- Walang kondisyon na patakarang no-logs
- Walang pagpaparehistro o nakatagong bayad

Available sa Lahat ng Mga Device at Platform
Bakit Gagamit ng Libreng VPN para sa Opera
Gamit ang Planet VPN, isang libreng VPN para sa Opera, mas makakatiyak ka sa iyong pagkapribado, walang paghihigpit sa iyong mga aktibidad, at makakasiguro na walang pagbagal sa iyong pag-browse.
Zero Log, Unli Bandwidth at Bilis
Ipinagmamalaki ng Planet VPN ang isang mahigpit na patakaran sa no-logs, na nagbabawal sa anumang pangongolekta ng data o pagsubaybay sa aktibidad ng mga user. Binibigyan namin ang aming mga user ng unli akses sa VPN Opera nang walang data o speed caps.

100% Libre – Walang Sign-Up o Nakatagong Bayarin
Ang extension ng Opera VPN mula sa Planet VPN ay hindi nangangailangan ng iyong email o anumang pagpaparehistro. Huwag mag-alala sa mga nakatagong bayad o subskripsiyon, mag-download ng libreng VPN at magsimulang mag-browse!
Mga Smart Filter at Instant One-Click na Koneksiyon
Piliin kung aling website ang kokonekta sa isang naka-encrypt na server na may mga smart filter. I-encrypt ang iyong koneksiyon sa isang click lang sa ilang segundo.
Paano I-install ang Aming Opera Extension
Madaling simulan ang paggamit ng Planet VPN extension Opera. Ito ang kailangan mong gawin para simulan ang paggamit ng extension sa loob ng isang minuto lang:
Pumunta sa Store
Pumunta sa Opera Add-ons Store at hanapin ang ‘Planet VPN.’
Idagdag sa Opera
Idagdag ang extension sa Opera at ibigay ang mga kinakailangang pahintulot.
Kumonekta!
Magkakaroon ng Planet VPN icon sa tabi ng address bar. I-click ang button at kumonekta sa naka-encrypt na server!
Mga Pangunahing Benepisyo ng Planet VPN para sa Opera
Ang Planet VPN, isang libreng VPN para sa Opera, ang iyong solusyon para sa mabilis, protektado, at pribadong koneksiyon. Samantalahin ang user-friendly at naka-encrypt na pag-browse nang walang kahirap-hirap at data cap!
Isang-Click na Instant na Koneksiyon
Ang pag-set up ng extension ng VPN ay hindi nangangailangan ng anumang malalim na teknikal na kaalaman. Pagkatapos i-install ito at i-click ang ‘Connect’ na button, maaari ka nang mag-browse nang walang mga paghihigpit.
Akses sa mga Server sa Buong Mundo
Madali kang magpalipat-lipat sa 1,260 premium na server at awtomatikong kumonekta sa 11 libreng server, habang ine-enjoy ang surfing, streaming, at gaming mula saanman sa mundo.
Malakasang Pagkapribado na may Encryption
Gumagamit ang Planet VPN ng moderno at state-of-the-art na AES-256, na lubos na tinitingala sa komunidad ng cybersecurity. Nananatiling ligtas ang iyong IP address mula sa mga panlabas na banta kahit na sa mga pampublikong Wi-Fi network.
Tunay na Unli Surfing
Ang pangunahing layunin ng Planet VPN ay lumikha ng isang libreng VPN para sa Opera nang walang mga paghihigpit, pero gumagana nang parang premium ang serbisyo. Bilang resulta, walang mga paghihigpit sa bilis, paggamit ng data, o bandwidth.
Paano Umaangat ang Planet VPN sa Iba pang mga VPN
Nagbibigay ang Planet VPN sa mga user ng mga natatanging pakinabang na nagpapaangat dito kompara sa iba. Kaya naman hindi mapantayan ang proteksiyon sa pagkapribado, unli akses, at tuloy-tuloy na performance.
Talagang Libre – Magpakailanman
Bilang isang libreng VPN para sa Opera, ang Planet VPN ay nagbibigay ng serbisyong walang trial at iba pang gastos. Malaya kang gamitin ang aming extension ng Opera hanggang kailangan mo nang walang anumang limitasyon.

Unli Bandwidth at Bilis, Lagi
Hindi ka makakaranas ng anumang pagbagal o limitasyon ng data. Magkaroon ng akses sa anumang server anumang oras nang ganap ang bilis.

Walang Pagpaparehistro, Walang Kinakailangang Personal na Data
Para simulan ang paggamit ng Planet VPN, hindi mo kailangang magrehistro para sa isang account. Sa ibang salita, hindi mo na kailangang magbigay ng anumang personal na impormasyon.

Magaan at Opera-Native na Integrasyon
Ang Planet VPN ay idinisenyo para maging magaan at mag-load kaagad, lalo na sa anumang browser, nang hindi na kailangan ng hiwalay na app. Maayos itong gumagana nang hindi nauubos ang mga mapagkukunan ng system.

Mahigpit na Patakarang No‑Logs
Sumusunod sa patakarang no-logs ng VPN Opera, ang Planet VPN ay hgindi saklaw ng mga kasunduan sa pagsubaybay sa 5/9/14-Eyes, dahil nakabase ito sa Romania. Nangangahulugan iyon na walang maaaring humiling ng iyong data, at ang iyong aktibidad ay mananatili lang sa iyo.

Mga Madalas Itanong (FAQs)
-
Libre ba talaga ang Planet VPN para sa Opera magpakailanman?
Oo, walang panahon ng trial o nakatagong mga bayarin. Gamitin ang Planet VPN nang libre hanggang kailangan mo nang walang mga paghihigpit.
-
Kailangan ko bang gumawa ng account?
Hindi, hindi mo kailangang gumawa ng account kapag ginagamit ang VPN extension Opera mula sa Planet VPN. I-download lang ang extension, pagkatapos ay simulan ang pag-browse nang ligtas!
-
Pababagalin ba Nito ang Opera?
Hindi, ang Planet VPN extension ay nag-aalok sa mga user ng tuloy-tuloy na koneksiyon na walang mga pag-freeze at pagkaantala, at gumagana ito para sa lahat ng browser.
-
Gumagana ba ito sa Opera GX o mobile?
Oo, gumagana ang Planet VPN plugin sa lahat ng browser at nagbibigay sa mga user ng maayos na koneksiyon na walang mga pagkaantala at pag-freeze.
-
Kinukuha ba ng Planet VPN ang history ko sa internet?
Hindi, ang Planet VPN ay sumusunod sa isang mahigpit na patakarang no-logs. Hindi namin sinusubaybayan, iniimbak, o sinusubaybayan ang aktibidad ng iyong browser, kaya tiyak ang seguridad at anonimidad ng iyong data.
-
Maaari ba akong gumamit ng mga streaming platform habang nakakonekta sa Planet VPN?
Oo! Ang Planet VPN ay perpekto para sa iyong araw-araw na aktibidad. Hindi nililimitahan ng extension ang iyong bilis o oras ng paggamit, at hindi rin nito pinapabagal ang iyong koneksiyon sa internet, kaya wala kang alalahanin sa panonood ng YouTube o mga palabas sa TV sa mga platform gaya ng Netflix, Hulu, o Crunchyroll.