Libreng VPN para sa Chrome
Paglalarawan ng Meta: Ang Planet VPN para sa Chrome ay libreng extension ng VPN – walang mga log, unli bilis at data, walang kinakailangang pagpaparehistro. Madaling pag-install sa isang click lang.
- Libreng VPN para sa Chrome
- Walang paghihigpit at talagang mabilis
- Modernong pag-encrypt ng protocol
- User-friendly na one-click na koneksiyon
Available on All Devices and Platforms
Bakit Libreng VPN para sa Chrome
Sa paggamit ng extension ng Chrome VPN, mananatili kang anonimo at protektado ka sa web habang pinapanatili ang maksimum na produktibidad at pinahigpit na pagkapribado.
No logs & No traffic or Speed Limits
Planet VPN is a no logs VPN Chrome extension, which means that your browser activity can’t be monitored or shared. We do not collect your website and download activity, as well as there’s no imposed traffic or speed limits.
100% Libre – Walang pagpaparehistro, Walang Nakatagong mga Gastos
Ang Planet VPN ay walang log na VPN Chrome extension, na nangangahulugan na ang aktibidad ng iyong browser ay hindi masusubaybayan o maibabahagi. Hindi namin kinokolekta ang iyong aktibidad sa website at sa pag-download, kaya mananatili kang anonimo online.
Awtomatikong Koneksiyon at mga Smart Filter
Ang Planet VPN ay hindi lang madaling i-install; madali rin itong gamitin. Awtomatikong kumokonekta ang extension sa optimisadong server habang isinasama ang mga smart filter. Tinutulungan ka nitong kontrolin kung aling mga website o tab ang maaaring gumamit ng VPN tunnel at alin ang hindi, sa halip na i-reroute ang lahat ng iyong traffic.
Paano I-install ang Chrome Extension
Napakadaling mag-install ng extension ng VPN sa Chrome na tumatagal lang ng isang minuto.
I-download
Pumunta sa Chrome Webstore, mag-click sa ‘Idagdag sa Chrome’, at aprubahan ang pagdaragdag ng extension sa Chrome.
Simulan ang extension
Mag-click sa VPN sa tab na mga extension, at sumang-ayon sa patakaran sa mga tuntunin.
Kumonekta sa VPN
I-click ang ‘Kumonekta’, at protektado na agad ang koneksiyon mo!
Mga Pangunahing Benepisyo ng Planet VPN para sa Chrome
Sinisikap ng koponan ng Planet VPN na gawing seamless ang iyong karanasan sa extension ng Chrome VPN.
Instant one-click na koneksiyon
Kapag na-install na ang extension ng Planet VPN, kailangan lang ng i-click ang ‘Kumonekta’ para m atiyak ang kaligtasan ng iyong koneksiyon sa internet.
Akses sa pandaigdigang server
Magkaroon ng akses sa buong mundo gamit ang 11 libreng server at 1,260 premium na server, at magpalipat-lipat sa mga ito sa ilang segundo.
Malakasang pagkapribado at pag-encrypt
Sa libreng VPN para sa Chrome mula sa Planet VPN, hindi mo kailangang alalahanin ang seguridad mo sa internet. Naka-integrate ang extension sa modernong teknolohiya, kaya mas magaan at mas mabilis ang paggamit mo.
Tunay na walang limitasyong pag-browse
Walang mga popup o nakakainis na ad kapag user ng libreng VPN para sa Chrome mula sa Planet VPN. Ang karanasan mo sa pag-browse ay hindi maaantala ng anumang mga abiso sa mga paghihigpit sa oras, bilis, o bandwidth.
Paano Umaangat ang Planet VPN sa Iba Pang Mga VPN
Nasa Planet VPN ang pinakamagaling mula sa mga premium na VPN at nag-aalok ito ng perpektong solusyon para sa pang-araw-araw na paggamit – isang libre, mabilis, at protektadomg VPN para sa iyong Chrome browser.
Talagang Libre – Walang mga Trial
Ang Planet VPN ay libreng VPN para sa Chrome. Hindi ka gugulatin ng anumang mga nakatagong bayarin o limitadong panahon ng trial. I-install lang ang extension at mag-browse o mag-stream hanggang kailangan mo. Pangako naming maghatid ng malinaw at walang obligasyong serbisyo nang walang pagkaantala.
Hindi Kailangang Magrehistro o Mag-sign Up
Ang iyong personal na impormasyon ay nananatiling 100% pribado dahil ang Planet VPN ay hindi nangangailangan ng anumang paraan ng pagpaparehistro maliban kung magsusu-subscribe ka sa Premium. Sa kasong ito, kakailanganin lang namin ang iyong e-mail. Sa pamamagitan nito, binibigyan namin ang mga libreng user ng pinakamataas na antas ng pagkapribado.
Unli Bandwidth at Bilis
Mag-stream, malaro, mag-browse, at mag-download — lahat ng ito nang walang mga pagbagal at paghihigpit. Binibigyan ng Planet VPN ang mga user nito ng maaasahan at seamless na mga server nang walang caps, kahit na sa peak hours.
Magaan at Madaling Gamiting Extension
Dinisenyo ang Planet VPN nang isinasaalang-alang ang mga user, kaya magaan ang app at maayos at tuloy-tuloy ang performance nito.
Mahigpit na Patakarang No-Logs
Ang Planet VPN ay nakabase sa Romania, isang bansang hindi bahagi ng 5, 9, o 14 Eyes Alliances. Sa mga kasunduang maaaring subaybayan ng mga pamahalaan ang data ng user at ibahagi ito sa iba kung magpasiya silang kailangan nila ito. Tumutupad ang Planet VPN sa patakarang no-logs, na nagtitiyak na pribado ang iyong aktibidad at hindi maaaring iimbak o ibahagi.
Mga Madalas Itanong (FAQs)
-
Bakit kailangan ko ng VPN extension para sa Chrome?
Ine-encrypt at nire-reroute ng unli extension ng VPN sa Chrome mula sa Planet VPN ang iyong traffic sa pamamagitan ng isang maaasahang tunnel. Dahil sa nakatagong IP address, maaari kang manatiling anonimo online: hindi ka masusubaybayan at hindi makokolekta o maibahagi ang iyong data.
-
Paano ko mai-install ang extension ng VPN sa Chrome browser?
Una, pumunta sa Chrome Web Store sa pamamagitan ng link sa page na ito, at mag-click sa button na ‘Idagdag sa Chrome’. Kapag naidagdag na ang extension, buksan ito mula sa tab ng extension at i-click ang ‘Kumonekta. ‘
-
Nila-log ba ng extension ng Chrome VPN ang aking aktibidad?
Hindi, dahil mahigpit na sinusunod ng Planet VPN ang patakarang no-logs. Ang iyong presensiya online ay ganap na pribado dahil hindi namin sinusubaybayan, tinitipon, o ibinabahagi ang iyong aktibidad sa pag-browse.
-
Talaga bang libreng gamitin ang extension ng VPN Chrome?
Ang Planet VPN ay 100% libreng VPN para sa Chrome. Walang mga nakatagong bayarin, limitasyon, o panahon ng trial. May libreng akses ka sa mabilis at protektadong mga server na may unli bandwidth.
-
Kailangan ko bang gumawa ng account o mag-sign in para magamit ang VPN extension?
Hindi, ang libreng bersiyon ay hindi nangangailangan nito. Kumonekta sa isang click lang pagka-download ng extension! Kung gusto mong mag-upgrade sa Premium, kakailanganin namin ang iyong email para magpatuloy sa pagbabayad.