Mga Tuntunin ng Serbisyo
Ang FREE PLANET VPN S.R.L. (mula rito ay tutukuying “Kompanya,” “kami,” o “amin”) ang may-ari at operator ng serbisyo ng VPN na kilala sa ilalim ng trademark na FREE PLANET VPN (mula rito ay tutukuying “FREE PLANET VPN,” “ang Serbisyo”).
Para malinaw at konsistent, ang terminong “FREE PLANET VPN” ay maaaring tumukoy sa alinman sa trademark o kompanyang nagpapatakbo ng serbisyo.
Petsa ng Pagkabisa:
Ang sumusunod na Mga Tuntunin ng Serbisyo (mula rito ay tatawaging “Mga Tuntunin”) ang namamahala sa pag-akses at paggamit sa mga website ng FREE PLANET VPN (freeplanetvpn.com), FREE PLANET VPN na mga aplikasyon (pagkatapos nito, ang “Mga App”), at lahat ng nauugnay na serbisyo (kolektibong tatawaging “Mga Serbisyo”). Sa pamamagitan ng pag-akses o paggamit sa aming mga website, apps, o Serbisyo, pinatutunayan mong nabasa mo, naunawaan mo, at sumasang-ayon ka na sumailalim sa Mga Tuntuning ito.
Kung tinatanggap ng isang indibidwal ang Mga Tuntuning ito sa ngalan ng isang organisasyon o employer, kinakatawan at ginagarantiyahan nila na sila ay may ganap na awtoridad na isailalim ang mga naturang entidad sa Mga Tuntuning ito.
Ang Mga Tuntuning ito, kasama ang Patakaran sa Pagkapribado at anumang iba pang naaangkop na nalathalang mga patakaran, ay bumubuo ng isang legal na may-bisang kasunduan sa pagitan ng User at FREE PLANET VPN. Kung ang anumang probisyon dito ay ituring na hindi katanggap-tanggap, hinihiling sa mga user na huwag i-install ang Apps o gamitin ang Mga Serbisyo.
1. Pangkalahatan
Ang mga serbisyong ibinigay ng FREE PLANET VPN dito ay binubuo ng isang virtual private network (VPN) na idinisenyo para pahusayin ang online na seguridad at pagkapribado.
Maaaring kailanganin ng ilang partikular na feature ang paggawa ng account. Ang may-ari ng account ang dapat na tanging responsable para sa lahat ng mga aksiyon at transaksiyon na isinagawa sa ilalim ng kaniyang account, kabilang ang anumang mga aksiyong ginawa ng mga third party na binigyan ng akses dito.
Ang FREE PLANET VPN ay hindi nagla-log ng online na aktibidad. Maaaring kailanganin sa paggawa ng account ang pagkolekta ng iilang impormasyon, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, email address at password. Para sa mga bayad na subskripsiyon, kailangan ang mga detalye ng pagbabayad. Obligado ang mga user na tumpak at bago ang lahat ng impormasyong ibinigay.
Dapat panatilihin ng mga user ang pagiging kumpidensiyal ng kanilang mga kredensiyal sa pag-log in. Sakaling nagkaroon ng hindi awtorisadong pag-akses o paggamit, dapat na abisuhan agad ng mga user ang kaukulang mga awtoridad.
Nasa sariling pagpapasiya at panganib ng user ang paggamit ng Mga Serbisyo. Inilalaan ng FREE PLANET VPN ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasiya, na baguhin, suspindehin, o ihinto ang anumang aspeto ng Mga Serbisyo anumang oras, nang walang paunang abiso.
2. Mga Pagbabago sa Mga Tuntunin
Ang Mga Tuntuning ito ay maaaring susugan anumang oras sa pamamagitan ng paglalathala ng binagong bersiyon sa website. Makikita sa tuktok ng page na ito ang petsa ng pinakahuling rebisyon. Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng Mga Serbisyo kasunod ng anumang naturang mga pagbabago, kinikilala ang User at sumasang-ayon siya na pumailalim sa binagong Mga Tuntunin.
3. Pagkapribado
Hindi sinusubaybayan o nila-log ng FREE PLANET VPN ang aktibidad ng pag-browse ng mga user, kabilang ang mga binisitang website, mga query sa DNS, o mga komunikasyon sa email. Isinasagawa lang ang pag-log ng mga trial sa teknikal na koneksiyon para sa mga layunin ng seguridad at pag-troubleshoot.
Hindi pinahihintulutang mangyari ang pagsisiwalat ng personal na data sa mga third party, maliban kung hayagang nakasaad sa [Privacy Policy] ng institusyon. Papayagan lang ang mga kahilingan mula sa mga awtoridad ng pamahalaan legal ang mga ito at nasa naaangkop na hurisdiksiyon.
4. Mga Serbisyo ng Third-Party
Tandaan na maaaring magtampok ang Apps at mga website ng content, mga feature, o mga link na ibinigay ng mga third party. Walang kontrol ang FREE PLANET VPN sa naturang resources ng third-party at hindi mananagot para sa kanilang mga tuntunin, patakaran, o kakayahang magamit. Nasa sariling pagpapasiya at panganib ng user ang paggamit ng mga serbisyo ng third-party.
5. Lisensiya
Ibinibigay rito ang isang limitado, personal, maaaring bawiin, at di-maililipat na lisensiya para maakses at magamit ang Apps, Mga Website, at Mga Serbisyo. Mananatiling nag-iisa at eksklusibong pag-aari ng FREE PLANET VPN ang lahat ng karapatan, titulo, at interes sa software, disenyo, at nilalaman ay.
Ang Mga Serbisyo ay ibinibigay lang para sa personal na paggamit at hindi dapat kopyahin, baguhin, gayahin, muling ibenta, ipaupa, o kung hindi man ay makagambala sa anumang paraan. Ang anumang pagtatangkang i-reverse engineer, i-decompile, o kung hindi man ay ikompromiso ang Mga Serbisyo ay mahigpit na ipinagbabawal at sasailalim sa pagpapatupad hanggang sa ganap na pinahihintulutan ng batas.
6. Mga subskripsiyon
Nag-aalok ang Kompanya ng Mga Serbisyo sa parehong libre at bayad na mga format.
6.1 Tagal at Pagpepresyo
Makikita sa Apps at sa website ng Kompanya ang mga detalye tungkol sa kasalukuyang mga plano sa subskripsiyon at nauugnay na pagpepresyo. Ipatutupad ang anumang mga pagbabago sa pagpepresyo ng FREE PLANET VPN kasunod ng paunang abiso sa mga user.
6.2 Libreng Trial
Ang FREE PLANET VPN ay maaaring magbigay ng mga libreng trial ng mga premium na tampok paminsan-minsan. Ang mga tuntunin at kondisyong namamahala sa gayong mga libreng trial ay ipahahayag dito nang hiwalay. Kung hindi makansela ang libreng trial bago ito mapaso, ay awtomatikong sisingilin ang itinalagang paraan ng pagbabayad ng user para sa kasunod na panahon ng subskripsiyon, na tanging risk at responsabilidad ng user.
6.3 Auto-Renewal
Bilang default, sasailalim sa awtomatikong pag-renew ang mga subskripsiyon, sa kondisyong na-verify na aktibo ang itinalagang paraan ng pagbabayad. Maaaring i-disable ng user ang awtomatikong pag-renew sa pamamagitan ng mga setting ng account.
6.4 Mga Pagbabayad at Refund
Eksklusibong ipoproseso ng mga third-party na provider ang lahat ng pagbabayad. Ang mga pagbili sa pamamagitan ng website ng Kompanya ay saklaw ng garantiyang balik- pera, gaya ng nakadetalye dito:
- 14 araw para sa 1 buwang plano
- 30 araw para sa 4 na taong plano
Walang refund para sa mga pag-renew. Para sa mga pagbili sa pamamagitan ng mga third-party na app store (kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, Apple App Store o Google Play), ang anumang mga refund ay pamamahalaan lang ng mga patakaran ng kaukulang store.
7. Mga Ipinagbabawal na Paggamit
Sa pamamagitan ng paggamit ng Mga Serbisyo, sumasang-ayon kang hindi mo gagawin ang sumusunod:
- mga aktibidad na labag sa batas, mapanlinlang, o may malisyosong layunin;
- pagpapadala ng spam o pamamahagi ng malware;
- paglabag sa mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari;
- pag-post ng content na may kinalaman sa karahasan, poot, o pagsasamantala sa mga menor de edad;
- hindi awtorisadong pag-akses sa system/network (“hacking”);
- mga aktibidad sa militar o cyberwarfare;
- pagtatangkang panghimasukan o i-bypass ang FREE PLANET VPN system.
Karapatan ng FREE PLANET VPN na wakasan ang anumang account na napatunayang lumalabag sa Mga Tuntuning ito, nang walang ibinibigay na karapatan sa refund.
8. Disclaimer sa Warranty
Ang Mga Serbisyo ay ibinibigay “as is” at nang walang anumang warranty ng anumang uri, hayag man o ipinahiwatig. Hindi garantisado ang walang tigil na serbisyo, walang error na operasyon, at pagiging tugma sa lahat ng device. Ang paggamit ng FREE PLANET VPN ay sariling pagpapasiya at panganib ng user.
9. Limitasyon sa Pananagutan
Ang FREE PLANET VPN, ang mga empleyado nito, at ang mga kasosyo nito sa negosyo ay hindi mananagot para sa anumang mga pinsala, direkta man, hindi direkta, hindi sinasadya, o kinahinatnan, kabilang ang ngunit hindi limitado sa pagkawala ng data, pagkagambala sa negosyo, o pagkawala ng kita, na nagmula sa paggamit ng Mga Serbisyo. Ang maksimum na pinagsama-samang pananagutan ng mga nabanggit na partido ay dapat na limitado sa halagang aktuwal na binayaran ng user para sa Mga Serbisyo.
10. Indemnification
Sa pamamagitan ng pagtanggap sa Mga Tuntuning ito, sumasang-ayon ka na protektahan, ipagtanggol, at ituring na hindi nakakapinsala ang FREE PLANET VPN mula sa at laban sa anuman at lahat ng paghahabol, pinsala, pananagutan, o gastos, kabilang ang mga makatwirang bayad sa abogado, na nagmumula sa paglabag mo sa Mga Tuntuning ito o anumang maling paggamit mo ng Mga Serbisyo.
11. Arbitrasyon
Ang pamamahala ng Mga Tuntuning ito ay napapailalim sa legal na framework ng Romania. Sakaling magkaroon ng anumang mga hindi pagkakaunawaan, ang usapin ay dapat isumite sa arbitrasyon alinsunod sa mga alituntunin ng Romanian Chamber of Commerce and Industry o isa pang pinagkasunduang institusyon ng Romanian arbitration. Ang mga paglilitis ay isasagawa sa Ingles, at ang arbitral award ay magiging pinal at may bisa sa mga partido.